NSC, nagsasagawa na ng assessment sa implikasyon ng POGO sa national security

Nagsasagawa na ng assessment ang National Security Council (NSC) sa implikasyon ng POGO sa national security.

Ayon kay NSC Adviser Secretary Eduardo Año , sa ngayon ay hindi pa itinuturing ng NSC, bilang “national security threat” ang POGO na mangangailangan ng aksyon mula sa defense forces.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Gayunman, sinabi ng kalihim na maituturing itong national concern.

Kung mayroon man aniyang ginagawang paglabag sa batas ang mga POGO, hindi dapat itong palampasin, at kailangang aksyunan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerbo.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Tiniyak naman ni Año na patuloy na makikipagtulungan ang NSC sa mga ibang ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders sa pangangalap ng impormasyon para magkaroon ng balanseng pananaw sa operasyon ng mga POGO sa bansa.