Hepe ng pulis sa Porac, Pampanga, inalis sa pwesto upang bigyang-daan ang imbestigasyon ukol sa sinalakay na POGO

Sinibak sa pwesto si Pampanga Police Provincial Office Director PCol. Levi Hope Basilio kasunod ng ginawang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang ilegal na POGO hub sa bayan ng Porac noong Hunyo 4.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, inalis ito sa pwesto para bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon sa Lucky South 99.

Aniya, iniimbestigahan ang mga opisyal para sa posibleng kapabayaan sa tungkulin.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Pansamantalang tatayo bilang hepe ng Pampanga police si Police LtCol. Maylanie Castillo na kasalukuyang deputy provincial director for administration ng Pampanga Pampanga Provincial Police Office.