Padilla sa ginawang raid kay Quiboloy – ‘Masakit sa mata!’

Ayaw na umanong palawakin ni Senador Robin Padilla ang isyu tungkol sa pagpasok ng tinatayang isang daang pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Barangay Buhangin sa Davao City.

Anya, mula rito, umaasa na lang siya na magkakaroon ng magandang pagharap sa kasong inihain kay Quiboloy upang di na mauwi sa mga ganitong sitwasyon.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Pagpapaliwanag niya, medyo masakit sa matang makita ang pagpasok ng mga nakaunipormeng opisyales sa loob ng sinasambahan ng mga tao.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kaugnay nito, nanawagan siya sa awtoridad na ihiwalay ang relihiyon ng mga tao kay Quiboloy na siyang tumatayong pastor ng mga ito at respetuhin ang konstitusyon upang maiwasan umano ang takot na maaring maidala nito sa mga mananampalataya ng KOJC.