Empleyado, pinagnakawan ang amo matapos makulangan sa ₱150 per day na sahod

Arestado ang isang LGBTQIA+ member nitong Martes, Hunyo 11, alas 12:00 ng tanghali.

Tinangay kasi nito sa amo ang P55,000 cash, mga alahas at cellphone na may kabuuang P100,000.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Ang kawatan kinilalang si Alyas Richard, 30-anyos at residente ng Tanjay City, Negros Oriental.

Dumulog sa kapulisan si Alyas Ging ging matapos pagnakawan ni Alyas Richard ang tindahan ng saging.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Sinubukan pang tumakas ng suspek ngunit nadakip ng mga otoridad.

Ayon sa suspek, dalawang buwan na syang nagtratrabaho subalit kulang umano ang P150 kada araw na sahod dahilan ng pagnanakaw.