Pilipinas, nag-deploy ng mas maraming maritime patrols sa WPS sa kabila ng banta ng China

Mas pinaigting pa ng Pilipinas ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng ipapatupad na Anti-trespassing policy ng China sa June 15.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Tiniyak naman ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na walang mangyayaring panghuhuli sa naturang teritoryo dahil nakahanda raw ang pamahalaan na harangin ang mga aktibidad ng China sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Una nang sinabi ng Beijing na aarestuhin ng kanilang Coast Guard ang mga papasok sa itinuturing nitong teritoryo na hindi dinadaan sa kaukulang paglilitis.