Alkalde ng Naga, posibleng tumakbo bilang Congressman sa 2025

“Sa ngayon naka-align sa pagka-Kongresista, kahit na mahirap,  nakahanda naman.”

Ito ang naging pahayag ni Mayor Nelson Legacion, kung saan malaki ang tiyansa na tumakbo bilang Congressman sa 3rd District ng Camarines Sur.

Ayon sa kanya, may mga leader sa labas ng lungsod na naka-suporta sa kanya, nagkaroon na rin ng mga pag-uusap sa labas, at kahit ang Team Naga, nakahanda rin sa mga posibleng pagbabago, ngunit nakadepende pa rin sa mga mangyayari at sa pangangailangan ng mga barangay sa lungsod. Dagdag pa ng Alkalde, kung siya lamang, mas nais niyang ipagpatuloy ang pagka-Mayor, upang maipagpatuloy ang mga programa at iba pang proyekto.

Read More:  Three mothers accept fate of children missing after Davao Occidental landslide
Read More:  Brigadahan delivers 3,219 relief packs to isolated villages in Davao Occidental

Sa direksyon naman ni Dating Vice President, Leni Robredo, malaki rin ang tiyansa na tumakbo ito bilang Alkalde ng lungsod, na sa ngayon hinihintay nilang anunsiyo nito.