PBBM, tiniyak ang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Navy

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ikalawang Quarter Command Conference ng Philippine Navy sa kanilang headquarters sa Maynila kahapon.

Kung saan inilatag ng Hukbong Pandagat sa Commander-in-Chief ang kanilang strategic role bilang bahagi ng AFP sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept.

Ang CADC ay insiyatibo para sa pagpapalakas ng maritime security at defensive posture ng Pilipinas.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Ipinalaam ni Navy Chief, Vice Adm. Toribio Adaci Jr. kay Pangulong Marcos ang kasalukuyang estado at mga plano sa hinaharap ng Philippine Navy, at binigyang diin ang kahalagahan ng modernisasyon.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Tiniyak naman ng Presidente ang patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Navy at ng buong sandatahang lakas.

Binigyang diin rin ng commander in chief ang mahalagang papel ng navy sa pagpapanatili ng national security at ang pangangailangang isulong ang pagpapahusay ng defense capabilities sa pagtugon sa mga hamong pangseguridad.