Katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan naranasan sa Camarines Norte nitong Martes

CAMARINES NORTE – Tila dininig ang dasal ng mga taga Camarines Norte na matagal nang nagtitiis sa matinding init panahon.

Kahapon kasi ay nakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan ang lalawigan dahil sa localized thunderstorm.

Kahit kasi nakaranas ng pag ulan ang probinsiya noong nakaraang linggo dahil sa bagyong Aghon ay tila hindi ito naging sapat kumpara sa haba ng panahon na naranasang tag- init.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Bagamat, nakatulong na madagdagan ang source ng tubig partikular ang spring sources, hindi ito naramdaman sa ibang lugar na  ang mga balon na pinagkukunan ng tubig ay nagkanda tuyo dahil sa El Nino.

Read More:  Baby girl found dead in river in Kiamba

Una nang sinabi ni Pagasa Daet weather specialist Raymond Gerard Ordinario na ngayong Hunyo ay magiging neutral ang panahon at unti- unting magkakaroon ng transition patungo sa panahon ng tag- ulan. Nasa 60 hanggang 70 % naman umanong mararamdaman ang La Niña sa huling bahagi ng taon.

PHOTO COURTESY: Cashalo