NAGA CITY – Nagpaalala ang City Veterinary Office sa mga fur parents na iwasan namang padumihin sa kalsada ang kanilang mga alagang aso na ipinapasyal tuwing umaga, dahil nagdudulot ito ng pagkainis sa sinumang nakakaapak bukod pa sa nag iiba ang amoy ng hangin, tila anya nagiging comfort room ng mga aso ang kalsada pagkakaumaga.
Sa pahayag sa Brigada News FM Naga ni Josielyn Niangar, admin aide 1 ng naturang opisina, sinabi nitong marami na rin ang nakakarating na reklamo sa kanila hinggil dito subalit wala sila sa posisyon na sawayin ang mga fur parents bagkus ay tanging paalala lamang ang kanilang maibibigay.
Aminado siyang maraming mga taga lungsod ang nahuhumaling na mag alaga ng mga asong may breed o may lahi dahil sa nakakatuwa ang mga ito, nakakaintindi at sosyal tingnan lalo na kung nasa mall at minsan sa ilang mga hotel, subalit kailangan na maging responsable naman pagdating sa kalinisan.