Babae, nakuhanan ng P34 Million ng pinaniniwalaang shabu

Arestado ang 27-anyos na babae sa drug operation sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City gabi ng Miyerkules, Mayo 29, 2024.

Ang naaresto kinilalang si Maya, hindi tunay na pangalan, kinokonsidera bilang High Value Individual.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Nakuha mula sa posisyon nito ang 21 pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 5.1 kilos at nagkakahalaga ng mahigit P34,000,000.

Ayon kapulisan, matagal ng tinututukan ang aktibidad ng suspek sa area ng Lapulapu City.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Nagsisilbi umano itong taga hatid ng shabu sa mga kliyente.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002.