Navy, pinayuhan ang mga mangingisdang Pinoy na huwag matakot sa fishing ban ng China sa WPS

Pinayuhan ng Philippine Navy ang mga mangingisdang Pinoy na huwag matakot kasunod ng pagdedeklara ng China ng 4 na buwan na Fishing ban sa West Philippine Sea.

Binigyan-diin ni Navy spokesperon Commodore Roy Vincent Trinidad na suportado ng buong Sandatahang lakas ang mga mangingisdang Pinoy dahil matagal na nilang kabuhayan ang pangingisda sa lugar.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Pinayuhan din niya ang mga ito na ituloy lang ang pangingisda sa ilang bahagi ng WPS partikular sa Bajo de Masinloc.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Giniit pa nito, iligal at labag sa international law ang pagpapatupad ng fishing ban ng China.