Naglatag ng order si Pangulong Bongbong Marcos sa iba’t ibang ahensya ng Gobyerno para tiyakin ang tulong sa mga apektado ng Bagyong #AghonPH.
Bago pa man umalis ang Pangulo papuntang Brunei – naglatag muna ito ng ulat hinggil sa sitwasyon ng Bagyo, pati na rin ang utos niya sa mga government agencies.
Pinatitiyak ni Marcos sa DSWD, DA, at DOH, na magbigay ng assistance sa lahat ng mga naging biktima ng Bagyo.
Dapat umanong masigurong ‘di mapababayaan ang mga apektadong Pilipino mula sa Regions 4,5,6,7, at 8.