Bangkay ng lalaki, natagpuang palutang-lutang sa irigasyon sa Alicia, Isabela

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang ngayong umaga sa irigasyon na sakop ng Brgy. San Juan, Alicia, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Gallebo, 58-anyos, magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Alicia Police Station, nagtungo umano si Gallebo sa kaniyang pinsan noong araw ng linggo, July 11, 2021 at naparami ng nainom na alak.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ngayong umaga ay natagpuan na lamang ng mga residente ang katawan ng biktima at ang bisekleta nito sa irigasyon malapit sa kaniyang bahay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na posibleng dahil sa kalasingan ay nahulog si Gallebo sa kanal na dahilan ng kaniyang pagkalunod.

Dinala na ang katawan ng biktima sa isang punerarya para sa pagsasaayos sa kaniyang mga labi.