185 volcanic earthquake naitala sa Taal volcano sa loob ng 24 oras

Aabot sa 185 volcanic earthquake ang naitala sa loob ng 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa inilabas na bulletin ng PhiVolcs ngayong umaga, inihayag nitong nanatali ang alerto ng bulkan sa Alert level 3.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Dagdag pa ng ahensiya namonitor nila ang pitong low frequency volcanic earthquakes at 176 volcanic tremor events na tumatagal ng isa hangang 16 minuto.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Patuloy din umano ang pagbuga ng bulkang taal ng sulfur dioxide o SO2 gas na umaabot sa 6, 421 tonelada kada araw.

Umabot din 1,500 meters ang taas ng usok na inilalabas ng Bulkan mula sa main crater nito.