Pedestrian, sugatan matapos mahagip ng pampasaherong jeep sa Tiaong, Quezon

Sugatan ang isang pedestrian matapos itong mahagip ng pampasaherong jeep sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 22.

Ayon sa police report, tatawid sana noon ang 42-anyos na biktima nang mahagip ito ng jeep na minamaneho ni alyas “Orly”, 56-anyos.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Samantala, isinugod naman sa hospital ang biktima matapos ang insidente para malapatan ng lunas.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Sa ngayon, pinagdidiskusyonan na ang pagkakasundo ng magkabilang panig sa mga usapin hinggil sa aksidente.