US handang depensahan ang Pilipinas sa posibleng armed attack

Muling iginiit ng Estados Unidos ang commitment nito sa Pilipinas na handa nitong i-invoke ang Mutuan Defense Treaty sakaling magkaroon ng armed attack dito sa South China Sea.

Ginawa ni US State Secretary Antony J. Blinken ang pahayag kasabay ng ikalimang taong anibersaryo ng 2016 Arbitral Tribunal ruling.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Kasabay nito nanawagan din si Blinken sa China na sumunod sa mga International law at itigil na ang agresibong mga hakbang sa South China Sea.

Dagdag pa nito dapat din umanong igalang ng Beijing ang karapatan ng bawat bansa malaki man o maliit ito.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Binigyan diin din ni Blinken na ang kalayaan sa paglalayag ay isang ‘enduring interest’ at malaking bagay para katahimikan at kaunlaran ng isang bansa.