Larawan ni Bamban Mayor Gou at PBBM noong campaign sorties, walang bearing ayon sa Pangulo

“This proves nothing”

Ito ang reaksyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa kumakalat na larawan nila ni Bamban Mayor Alice Gou noong campaign sorties taong 2022.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa isang media interview, sinabi ng Pangulo na marami ang humihingi ng selfie sa kanya noong panahon ng election at lahat ay pinagbibigyan nya.

Kaya wala anyang pakahulugan kung magkaroon man sila ng larawan ni Mayor Gou.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nabatid na una nang sinabi ng Pangulo na hindi nito kilala ang alkalde, at maging ng iba pang mga pulitiko sa Tarlac.