Suspek sa pagpatay sa isang babae na naningil ng utang at isinilid sa icebox sa Cavite, naaresto sa Pasay City

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa isang babae na naningil ng utang at isinilid sa icebox sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office, naaresto ang suspek sa Pasay City.

Base sa imbestigasyon, pinuntahan at sinisingil ng biktima ang suspek sa matagal na umanong utang nito na nagkakahalaga ng limampung libong piso.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Dahil daw sa stress ng suspek matapos na magkasabay-sabay ang problema, ay napatay nito ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal ng lubid at saka inilagay ang katawan nito sa ice box.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Matapos ang insidente, tumawag ang suspek sa kanyang misis at inamin na aksidente niyang nagawa ang krimen saka tumakas.

Dito na nagawang magsumbong ng asawa sa mga pulis.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong murder.