BINI nakahakot ng mahigit 5 milyon listeners sa Spotify

Na-PANTROPIKO na ba ang lahat?

Talaga namang to the next level ang galing ng BINI dahil hindi lang sila sa Tiktok sikat maging ang Spotify ay nahakot na rin nila.

Read More:  Kris Aquino open to public service, hopes to become DOH secretary

Naabot na kasi ng nation girl group na BINI ang mahigit 5 million monthly listeners sa Spotify.

Inanunsyo ito ng kanilang management sa social media.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Ito ay kasunod ng pagiging viral ng kanilang kanta na ‘Pantropiko’ at ‘Salamin, Salamin’.

Matatandaang dalawang oras lang ang inabot ng ticket selling ng BINI para sa kanilang first ever concert na BINIverse sa Hunyo.