China, gumagamit umano ng ‘Marites warfare’ – ayon sa Philippine Navy

Giniit ng Philippine Navy na gumagamit umano ng Marites warfare ang China para mag-away-away ang mga opisyal ng gobyerno at mailihis ang tunay na isyu ng pag-angkin nila sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, walang katotohanan ang mga pahayag ng Chinese embassy na mayroong recorded na pag-uusap ng WESCOM at Chinese Diplomats dahil kasama ito sa kanilang disinformation .

Nilinaw din ng opisyal na walang kinalaman ang isyu sa pagbakasyon ni WESCOM Command Chief Vice Admiral Alberto Carlos na idinadawit sa umano’y bagong kasunduan ng Pilipinas at China.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Personal aniya ang dahilan sa pagbakasyon ni Vice Admiral Carlos at buwan pa ng Abril ito nag-file ng kanyang leave.