3, patay matapos malason sa pagkain ng ‘butete’ sa Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Tatlo katao ang binawian ng buhay matapos malason dahil sa pagkain ng butete sa bayan ng Libon, Albay habang apat naman ang nagpapagaling sa ospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Libon MPS, isa sa mga biktima mula sa dalawang pamilyang nalason ang nakahuli ng butete o “pufferfish” sa Brgy. Tambo kahapon, subalit agad niya umano itong niluto kahit hindi pa nalinisan at tinatanggal ang lamang-loob.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Kinain naman ito ng nasabing pamilya bandang alas 11 ng umaga at agad na nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Agad na dinala sa Pantao District Hospital ang 7 miyembro ng pamilya subalit idineklarang patay ang tatlo sa mga ito.

Samantala, nilipat naman sa BRHMC ang apat na natitirang miyembro para sa mas malalim na eksaminasyon.