Buffer Stocks ng NFA sa Camarines Sur, tumaas ng husto sa ₱30 na palay buying price

CAMARINES SUR- Tumaas ng husto ang buffer stocks ng palay ng National Food Authority sa Camarines Sur pati Camarines Norte mula noong pumalo na sa ₱30.00 na ang buying price ng clean and dry na palay.

Ito ang sinabi ni NFA Camarines Sur OIC Marbin Ciudadano Malabanan sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. Nitong Mayo 6, mayroong 66,763 bags. Triple pa ang porsyentong itinaas kumpara noong mga nagdaang anihan. Abril, naaprubahan ng NFA council/ ang pagtaas sa presyo, upang mapataas ang buffer stock at maging competitive ang presyo sa merkado.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Inikot muna ng NFA ang mga pamilihan sa lalawigan, bago ang implementasyon mababa sa ₱30.00 ang bentahan sa merkado kaya ito ang itinakda na nakaangkla sa guidelines.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Una nang sinabi ng ilang magsasaka sa Minalabac , Camarines Sur na hinihintay nila ang mataas na bilihan upang makabawi sa mahal na farm inputs.