Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia sa paulit-ulit na mapanganib na aksyon ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay ginawa matapos ang quadrilateral meeting sa pagitan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro, US Secretary of Defense Lloyd Austin III, Japanese Minister of Defense Kihara Minoru, at Australian Deputy Prime Minister at Minister for Defense Richard Marles sa Indo-Pacific Command Headquarters sa Honolulu, Hawaii.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Sa magkakasamang pahayag ng mga opisyal, mahigpit din nilang tinutulan ang mapanganib na deployment ng China ng kanilang coastguard at maritime militia vessels sa South China Sea.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Binigyan-diin nila ang kahalagahan ng freedom of navigation at nanawagan sa China na sundin ang 2016 Arbitral Ruling sa South China Sea.