P5, 000 halaga ng food assistance bawat biktima ng bumaliktad na jeep, ipinamahagi

Binigyan ng tulong pinansyal at food assistance ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 ang mga biktima ng bumaliktad at nahulog sa bangin na jeep sa Barangay San Roque, Enrile, Cagayan.

Nasa 18 na pamilya ang binigyan ng tulong kung saan P5, 000 halaga ng food assistance ang ipinamahagi sa bawat isa at binigyan naman ng P5,000 na tulong pinansyal ang pamilya ng isang nasawi.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Kasalukuyang lima pang biktima ang nagpapagaling ngayon sa pagamutan mula sa 43 na indibidwal na apektado.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kabuoang P95, 000 ang naipamahagi ng kagawaran bukod pa sa isinagawang stress debriefing tulad na lamang ng psychological first aid upang maibsan ang trauma ng mga biktima hinggil sa nangyaring insidente.|#BrigadaNews