Dialysis Center na bubuksan sa Naga City General Hospital, ipinagpasalamat

NAGA CITY –Nagpapasalamat ngayon pa lang ang mga barangay opisyal ng Naga City sa LGU-Naga sa bubuksang dialysis center sa Naga City General Hospital, dahil ma a-accommodate nito ang kanilang mga dialysis patients na ngayon ay nasa Bicol Medical Center at ilang pribadong klinika, bukod pa diyan ay mababawasan na rin ang babayarin ng mga ito.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Pinakamababang kailangan na budget ng nagda-dialysis sa isang buwan ay 10 libong piso, depende sa schedule nito o sa kung ilang beses nagpapa-dialysis sa loob ng isang lingo, may dalawa at hanggang tatlong beses.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa Barangay Dayangdang, nakapanayam ng Brigada News FM si Kagawad Gil Belen at nabanggit nito na may mga naitatala din silang mga dialysis patients na minsan ay humihingi ng tulong sa kanila at agad naman nilang ini-re-refer sa City Health, sa City Social Welfare and Development Office at kay City Mayor Son Legacion.