Israel nakagawa ng paglabag sa karapatang pantao –ayon sa Amerika

Kinondena ng Estados Unidos ang ginawang paglabag sa karapatang pantao ng 5 army units ng Israeli Defense Forces.

Ayon kay US State Department deputy spokesperson Vedant Patel, nagsagawa ang Israel ng remediation sa mga kaso ng 4 na units nito bilang pagtalima sa batas na pinagbabawalang magbigay ng military assistance sa security force units na nakagawa ng gross violations sa karapatang pantao.

Read More:  Over 1,500 residents still in evacuation centers two months after Kumamoto earthquake in Japan

Para naman sa ikalimang unit tinatalakay pa ng US ang isyu hinggil dito dahil hindi pa matukoy kung mayroong sapat na remediation.

Sinabi ni Patel, na ang mga kwestyonableng insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng Israel ay nangyari bago sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Read More:  20 bodies recovered from sunken ferry in Indonesia; 115 remain missing

Sa kabila nito, papayagan pa rin ang lahat ng units ng Israeli forces sa pagtanggap ng military assistance mula sa Amerika.