Pagkamatay ng 14-year-old student sa Talisay – aksidente ayon sa PNP

Nilinaw ng Philippine National Police na hindi totoo ang unang lumabas na impormasyon na may pumasok na ibang tao, binaril, at napatay ang isang estudyante sa Talisay, Cebu noong April 26.

Una na kasing napaulat na pinatay daw ito habang sumasagot ng kaniyang module.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, aksidenteng namatay ang biktimang menor de edad matapos malaglag ang baril sa bulsa ng kanyang kapatid at tumama ang bala sa biktima.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nakahiga at nagpapahinga raw noon ang biktima.

Dalawang indibidwal ang kinasuhan ng obstruction of justice ngayong araw dahil sa paglilinis ng crime scene, pagtatago ng baril at pagbibigay ng ibang pahayag sa insidente
#