Pagsasampa ng kasong libel kay MANIBELA president Valbuena, pinagpa-planuhan ng DOJ

Pinag-iisipan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong cyber libel laban kay MANIBELA president Mar Valbuena.

Ito’y matapos niyang ihayag ang umano’y pagkakasangkot ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa kontrobersyang katiwalian sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Ayon sa DOJ, ang akusasyon ni Valbuena, na nanunuhol umano ng pera ang kalihim para sa public utility vehicles modernization program, ay nilalabag ang Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil mayroon itong “malicious imputation of a criminal act”.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ipinalabas din ito sa telebisyon, gayundin sa social media at online platforms kabilang ang YouTube.