Pagtaas sa P4K na multa para sa illegal parking – ‘di inaprubahan ni PBBM

Hindi muna sinuportahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mungkahing naglalayong itaas sa hanggang P4,000 na multa ang mga taong lalabag sa illegal parking.

Sa isang video content, sinabi ni Pang. Marcos na mas pinili niya ang disiplina kaysa sa pagtataas ng penalty.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Naniniwala umano ang presidente na sa pamamagitan ng pag-focus sa responsibilidad ng bawat isa, makagagawa ang bansa ng mga ‘long-lasting’ solutions sa problema sa traffic ng bansa.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Ani Pangulong Marcos, naiwan na lamang sa P1,000 ang multa sa illegal parking.