Marcos – walang nakikitang dahilan para alisin si VP Sara sa Gabinete

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na maayos pa rin ang relasyon sa trabaho nila ni Vice President Sara Duterte.

Sa gitna ito ng naging negatibong pakiramdam ng kaniyang First Lady Liza Araneta-Marcos laban sa Bise Presidente.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Sa ambush interview, sinabi ni Marcos na palagay niya’y naiintindihan naman ni VP Sara ang nararamdaman ng First Lady.

Hindi niya raw ito dapat dibdibin lalo na’t madali lang naman aniyang plantsahin ang lahat ng mga isyu.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sabi pa ng Pangulo – wala siyang nakikitang dahilan para alisin si VP Sara sa Gabinete, at palitan siya bilang Education Sec.