House Committee – wala pang natatanggap na reklamo laban kay Alvarez

Wala pang gagawing hakbang ang House Committee on Ethics hinggil sa reklamo ng umano’y “disorderly conduct” at “incitement to sedition” laban kay dating Speaker at ngayo’y Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Ethics Committee Chairman Filemon Espares, naghihintay pa sila ng formal complaint laban kay Alvarez bago magkasa ng pagdinig.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Hindi rin aniya uubra ang motu proprio inquiry hangga’t walang natatanggap na dokumento para gawing basehan.

Paliwanag ni Espares, bagama’t may mga kumakalat na video ay statement lang naman ito ni Alvarez at ang kailangan nila ay mga materyal o dokumento mula sa “outsiders” na maghahain ng ethics complaint.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Mababatid na ilang House leaders na ang pumalag sa pahayag ni Alvarez sa isang prayer rally na bawiin na ng Armed Forces ang suporta kay Pangulong Bongbong Marcos sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.