Korte Suprema – pinagkukumento ang Senado hinggil sa arrest order laban kay Quiboloy

Hindi pinatigil ng Korte Suprema ang pag-aresto ng Senado laban kay Apollo Quiboloy.

Imbis na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang Kataastaasang Hukuman – pinakukumento nila ang Senado sa inihaing petisyon ng KOJC leader.

Read More:  Minority bloc to continue attending Sara Duterte impeachment trial despite refusing threshold vote

Sa unang press briefing ng bagong Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting – inanunsyo nitong mayroong sampung araw ang Senado para magkumento sa petisyon ni Quiboloy.

Read More:  Philippines ranks No. 1 again in global disaster risk

Maaalalang nag-isyu ng arrest order ang Senado laban kay Quiboloy dahil sa patuloy nitong pagtanggi na dumalo sa pagdinig ng kanilang Kumite hinggil sa mga ‘di umano’y sexual abuses nito.