Ika-82 na araw ng kagitingan, ginunita ng PNP Isabela

Nakiisa ang mga tauhan at mga opisyal ng PNP Isabela sa paggunita ng Ika-82 na araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng isang seremonya sa Veterans Tribute Skate Park, Barangay Tagaran Cauayan City, Isabela ngayong araw, ika-siyam ng Abril.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Layunin ng aktibidad na alalahanin ang mga bayani na nag-buwis ng buhay para sa ating bansa.

Dumalo sa seremonya ang iba’t ibang mga Chief of Police sa lalawigan, kabilang na rin si 6th District Congressman Faustino Dy V.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Kaugnay nito, naging bahagi ng programa ang Three Volleys of Fire Sounding of Taps, at Wreath Laying Ceremony bilang pagpupugay at pag-alala sa lahat ng mga nagsakripisyo para sa Pilipinas.