Tsunami drill sa mga coastal areas, palalakasin pa

Palalakasin pa ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council ang isinasagawang tsunami drill sa mga coastal areas matapos ang nasaksihang tsunami alert dahil sa nagdaang lindol sa Taiwan.

Inihayag ni CVDRRMC at Office of the Civil Defense Regional Director Leon Rafael na inaasahang isagawa sa mga coastal areas ng Isabela, Cagayan at Batanes ang tsunami drill sa mga susunod na quarter bilang secondary hazard.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Nakapagsagawa na ang tanggapan ng tsunami drill sa Buguey, Cagayan kasabay ng quarterly earthquake drill.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Binigyan naman ng gradong syete mula sa scale na isa hanggang sampu ang ginawang pagtugon ng bawat LGU at ahensya sa inilabas na tsunami alert ng PHIVOLCS.