Apat patay sa lindol sa Taiwan

Pahirapan ngayon ang rescue operations sa Taiwan matapos ang 7.5 magnitude na lindol kaninang umaga.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang mga otoridad ng hindi bababa sa apat na nasawi, habang umabot na sa higit 700 ang bilang ng mga nasugatan.

Read More:  Remulla calls Isabela Vice Mayor’s conduct ‘inexcusable’

Ayon sa fire department sa Taiwan, hindi bababa sa 26 na mga gusali ang nag-collapse.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Karamihan umano sa mga ito ay sa bayan ng Hualien, malapit sa epicenter ng lindol.

Matapos maramdaman ang lindol, sinuspinde na ang metro systems sa Taipei, maging sa bayan ng Taichung at Kaohsiung.