Duchess Kate Middleton maayos na ang kalagayan matapos makitaan ng COVID-19 symptoms

Nilinaw ng Britanya na maayos ang kalagayan at walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 si Duchess of Cambridge Kate Middleton.

Ito ay kahit na nag-self isolate ito matapos malamang nagpositibo sa virus ang isa sa kanyang naka-close contact.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Ayon sa report, bagamat maayos ang kalagayan, sinusunod lamang umano ni Middleton ang guidelines ng gobyerno.

Nangangahulugan ito na sampung araw na naka-isolate ang Duchess kung saan napag-alamang ginawa nito ang quarantine sa kanilang bahay.

Read More:  ‘Star Trek’ and ‘X-Men’ actor Patrick Stewart dies at 86

Ilan naman sa mga events na dapat dadaluhan ni Middleton kasama asawang si Prince William ang hindi nito napuntahan.

Si Middleton ay nabakunahan na kontra COVID-19 pero kusa nitong sinusunod ang polisiya ng kanilang gobyerno sa COVID-19