Apat na suspek sa kaso ng mag-inang balikbayang pinatay sa Tayabas City, tukoy na ng kapulisan

Tukoy na ng mga kapulisan ang apat na suspek sa pagpatay sa mag-inang balik-bayan mula sa Japan na nahukay sa isang subdivision sa Tayabas City matapos itong ituro ng mga saksi.

Sa bisa ng search warrant, ganap na alas-7:05 ng gabi nitong Lunes Marso 18, narekober sa bahay na tinutukoy ng mga saksi na pinangyarihan ng krimen ang 136 pieces ng 10,000 “lapad’ o Japanese Yen, ₱30,000.00 at iba pang kagamitan na nagpapatunay sa mga salaysay ng mga testigo.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal
Read More:  Severed woman’s head found in Cebu as police probe link to missing caregiver

Sa mga nakalap na salaysay at object evidence, positibo ang Special Task Invetigation Group (STIG) na maisasampa na ang kaso laban sa mga suspek habang inihahandan na ang mga kinakailangang dokumento para sa prosekusyon alinsunod sa Department Circular Number 20 ng Department of Justice.