Lalaki na napagkamalang kaaway, pinagtataga pero ligtas

Inatake at pinagtataga ang lalaki na si Mark Anthony Nemencio, nasa hustong gulang na napagkamalang kaaway ng isang grupo ng mga kabataan sa Brgy. Irawan sa lungsod ng Puerto Princesa kaninang madaling araw.

Una rito, nagkaroon ng rambulan sa Purok Maunlad sa Irawan kung saan umalis sandali ang suspek na si Zernan Delos Santos. Pagbalik niya, dala-dala niya na ang isang itak.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Maya- maya pa, dumaan ang biktima na napagkamalan ng suspek na isa sa mga nakaaway nila. Agad siyang inatake mula sa likod at tinaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Swerteng hindi tumalab ang itak sa katawan ng biktima dahil sa hinihinalang baligtad, kaya nagkaroon lamang ng pasa at galos si Mark. Naaresto ng mga pulis ang suspek at posibleng makasuhan.