Barangay –VAWC sa Naga City nakaalerto ngayong holy week sa posibleng pang-aabuso pisikal at emosyonal

NAGA CITY – Inalerto ng City Social Welfare and Development Office ang kanilang mga Barangay –VAWC o Violations Against Women and Their Children ngayong Holy Week sa posibleng pagdagdag ng bilang ng mga naaabuso pisikal man o emosyonal.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Ito ang pagtantiya ni Eden San Andres, social worker at siyang in-charge sa 27 Barangay-VAWC ng lungsod dahil sa pag obserba sa semana santa, hindi maiiwasan ang pag-iinom ng alak ng mga lalaki na puwedeng magdulot ng away sa pagitan ng mag-asawa at magkasakitan pa.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, pinaliwanag ni San Andres kung ano ang physical at emotional abuse, na ayon sa kanya karaniwang nagaganap kung bakasyon at sama-sama ang pamilya.