Isa sa mga akusado sa Percy Lapid killing na si Zulueta – patay na

Kinumpirma ng Dinalupihan police ang pagkamatay ni Ricardo Zulueta, ang isa pang akusado sa pagkamatay ng sikat na brodkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.

Ayon kay Dinalupihan chief of police Police Lt.Col. Marcelino Teloza, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa isang lalaki na pinaniniwalaang si Zulueta, na sinugod Bataan Peninsula Medical Center bandang ala-10 ng gabi dahil sa chest pain.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Matapos aniya matanggap ang impormasyong ito, agad ding nagtungo ang mga pulis sa ospital – kung saan dineklara na ang pagkamatay ng akusado.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ayon sa detah certificate, “cerebrovascular disease intracranial hemorrhage” ang kinamatay ni Zulueta.

Nadala na ang labi nito sa Holy Life Funeral Services sa Brgy. New San Jose, Dinalupihan Bataan, at kalaunan ay inilipat sa Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.