Mahigit 2 milyong hinihinalang shabu, nasabat sa isang babae sa Lucena City

Timbog ang isang babae matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit sa Barangay Cotta, Lucena City nitong Sabado, Marso 9.

Kinilala ang naaresto na si alyas Ann, 45-anyos residente ng Purok Matahimik Isla, Lucena City at kabilang sa High Value Individual.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Sa gitna ng operasyon nasabat sa suspek ang labing pitong(17) plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may timbang na mahigit isangdaan (102) gramo at nagkakahalaga ng mahigit dalawang milyong piso (PHP 2,080,800.00), ganun din ang isang (1) shoulder bag at isang (1) timbangan .

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2012.