2 patay nang mahulog sa balon sa Lagonoy , Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay ang dalawa katao matapos na mahulog sa balon sa Lagonoy, Camarines Sur.

Nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pangyayari sa Barangay Pinamihagan hapon nitong Biyernes. Sa impormasyong nakuha ng BNFM Naga sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) napag-alaman na  bumaba sa balon ang 44-anyos na lalaki upang maglinis pero nadulas ito, nahulog at tumama pa ang ulo sa ilalalim ng balon. Dumating naman ang 60-anyos na umano’y tiyuhin at sinubukang iligtas ang unang biktima pero nahulog din.

Read More:  Alleged ‘undersized’ culvert linked to Ilog village flooding, DPWH action sought

Ang dalawa ay sinusubukan sanang mailigtas nang isa pang nakakita pero nasa gitna pa lamang halos hindi na makahinga kaya hindi na tumuloy at siya na ang humingi ng saklolo. Gayumpaman, sinampalad ang 60-anyos nang ma suffocate sa maliit pero nasa 20-talampakang balon.

Read More:  Former Leyte vice mayor, son found dead; 3 arrested

Ayon sa MDRRM Lagonoy, posibleng nililinisan ang balon para ngayong tag init at source ng jet matic water pump.