BFAR- Bicol tinukoy ang posibleng dahilan ng red tide toxin sa Sorsogon Bay

SORSOGON CITY – Bukod sa pabago-bagong panahon, naniniwala si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol Spokesperson Nonie Enolva na ang mga nutrients mula sa upland at low lying areas ang posibleng dahilan kung bakit muling naging kontaminado sa paralytic shellfish poison o red tide ang Sorsogon Bay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa pahayag ng opisyal, sinabi nito na maaaring mayroong mga dumaloy na agricultural, industrial at domestic waste sa nasabing katubigan na malaking ambag upang mabilis na dumami ang phyto-plankton na pagkain naman ng mga red tide causing organism na Pyrodinium Bahamensi.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Binigyang diin din ng opisyal na dahil ang lokasyon ng Sorsogon bay ay medyo tago, kung kaya hindi rin madalas ang pagpalit-palit ng tubig-dagat kumpara sa ibang katubigan na malakas ang water current.