PH, muling naghain ng protesta matapos ang agresibong aksyon ng China

Muling naghain ng protesta ang Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang mga agresibong aksyon na isinagawa ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa mga barko ng Pilipinas.

Read More:  De Lima to lead arguments on impeachment voting threshold

Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng rotation at resupply mission ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal.

Ipinatawag na ng DFA ang Chinese Deputy Chief of Mission para iparating ang protesta sa panibagong maniobra mula sa Tsina.

Read More:  Minority bloc to continue attending Sara Duterte impeachment trial despite refusing threshold vote

Hinimok rin ng ahensya na umalis na sa West Philippine Sea ang lahat ng sasakyang pandagat ng China.