Postal Office Naga, nagbabala sa publiko kontra online transactions sa pagkuha ng postal ID

NAGA CITY – Nagbabala ang Postal Office Naga sa publiko na huwag makipag-online transactions sa pagkuha ng Postal ID dahil siguradong scam yan o peke.

Ito ang binigyan diin ni Ma. Lolita Perez Degayo, Postmaster ng opisina.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Aniya, maraming mga kliyente na kasi ang nabibiktima na lumalapit sa kanila upang magclaim, gayong hanggang ngayon ay suspendido pa ang pagkuha ng naturang ID, at walang online transaksyon ang opisina. Ibig sabihin mismong ang isang indibidwal ang pupunta sa opisina upang mag-apply, kung saan hindi pa alam kung kailan maibabalik at ang muling pagtanggap nila sa mga kliyente.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Dagdag pa ng opisyal, may ilang kliyente na rin silang nadetect na peke ang Postal ID lalo na’t may barcode scanner ang opisina kung kaya’t paalala na huwag basta-basta maniwala at mismong sa opisina na nila mag-inquire.