Pagsasalegal ng medical cannabis use – umusad na sa Senado

Umuusad na rin sa Senado ang panukala para gawing legal ang paggamit ng cannabis o marijuana bilang gamot sa mga sakit.

Ito ay matapos itong makatanggap ng labingtatlong lagda mula sa mga senador.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Kung saan ilan sa mga pumirma rito upang maging legal ito ay sina Senate Minority Leader Koko Pimentel, Senador JV Ejercito, Senador Jinggoy Estrada at Senador Mark Villar.

Kaugnay nito, pupwede ng isponsoran ng mga senador ang Committee Report No. 210 na siyang naglalaman sa Senate Bill No. 2573 o Cannabis Medicalization Act of the Philippines upang madala na ito para sa debate sa Plenaryo.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Maalala sa ilalim nito ay maari itong gamitin para sa paggamot sa mga kwalipikadong pasyente na nakararanas ng medical conditions o symptoms.