LGU na lubhang apektado ng El Niño, hinihikayat na magdeklara ng state of calamity

Hinihikayat ng Task Force El Niño ang mga local government unit sa bansa na lubhang napinsala ng El Niño na magdeklara na ng state of calamity.

Ayon kay TF El Niño spokesperson at PCO Asst. Secretary Joey Villarama, kapag deklaradong state of calamity ang isang lugar, mati-trigger ang mekanismo para makapag bigay ng tulong ang national government.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa ngayon meron nang dalawang bayan sa Mindoro Oriental at Occidental ang nagdeklara ng state of calamity.

Huhugutin sa quick response fund ng Department of Agriculture ang gagamiting pondo para sa rehabilitation ng agricultural land na lubhang napinsala, at pagbibigay ng farm inputs sa mga apektadong magsasaka.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Samantala bumisita na kahapon sa Mindoro ang mga opisyal ng DA at namahagi ng rice assistance, limang libo at fuel subsidy.

Iiendorso rin ang mga apektadong magsasaka sa DSWD para sa cash assistance at sa DOLE para sa cash for work program.