Hatol sa 6 na pulis na sangkot sa kaso ni Baltazar, hindi umano makatarungan

Dismayado ang ilang residente ng Navotas City sa naging desisyon ng Navotas Regional Trial Court sa 6 na pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar.

Ayon sa ilang residente, hindi umano makatarungan na iisa lamang sa anim na pulis ang nahatulan at anim na taon lamang na makukulong.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Anila, buhay ang kinuha kaya dapat habang buhay ring pagdusahan ng mga nagkasala.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Matatandaang, inilabas kahapon ng korte ang hatol laban sa anim na dating pulis-Navotas na kinasuhan kaugnay sa pagbaril at pagkamatay ni Baltazar kung saan tanging isa lang sa mga akusado ang direktang hinatulan sa mas mababang kaso na homicide.