Hatol ng Korte laban sa 6 na pulis na sa kaso ni Jemboy Baltazar, ikinadismaya ng kaanak

Ikinadismya ng pamilya ni Jemboy Baltazar ang hatol laban sa 6 na pulis ng Navotas RTC Branch 286.

Ito’y matapos na isa sa mga pulis ang hinatulan ng homicide habang ang apat ay pinatawan na makulong dahil sa illegal discharge of firearms at abswelto naman ang isa pa.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Hindi tanggap ni Rodaliza Baltazar, nanay ni Jemboy, ang desisyon ng korte dahil parang hindi napatay ang kanyang anak at wala umanong kinahantungan ang paghahanap nila ng hustisya.

Iisa lang umano kasi sa mga pulis ang pinatawan ng homicide habang napakagaan ng hatol sa iba pa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Parang aso o pusa lang daw ang kanyang anak matapos ang insidente.

Si Jemboy ay 17 taong gulang lamang at may mga pangarap pa umano sa kanyang buhay.