PNP, wala pang polisiya para ipagbawal ang paggamit ng TikTok sa mga tauhan nito

Wala pang polisiya ang Philippine National Police para ipagbawal ang paggamit ng social media app na TikTok sa mga tauhan nito.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Pero nananawagan si Acorda sa mga police personnel na kung gagamitin ito irespeto ang uniporme ng PNP.

Sinabi pa ng opisyal na pinag-aaralan na rin aniya nila ang security issue na ipinahayag ng AFP hinggil sa paggamit ng naturang app.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Maaalalang nauna nang ipinagbawal ang paggamit ng tiktok sa mga sundalo dahil umano sa cybersecurity risks.

Sakop ng TikTok ban ang work at personal phones ng mga sundalo.